October tax collection target nahigitan ng BIR

By Jan Escosio November 21, 2023 - 03:23 PM

Sumobra pa sa kanilang target ang nakolektang buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong nakaraang buwan.

Ayon kay BIR Commissioner  Romeo Lumagui, nakakolekta sila ng P274.23 bilyon noong Oktubre at ito ay 8.6 porsiyento na mahigit pa sa kanilang tinarget na P252.77 billion.

Dagdag pa ni Lumagui higit na 47 porsiyentong mas mataas ang kanilang nakolekta kumpara sa P186.76 bilyong koleksyon noong Oktubre ng nakaraang taon.

Bunga aniya ito nang pinaigting nilang pagpapatupad ng mga batas ukol sa buwis, gayundin ng kanilang mga operasyon laban sa mga nagbebenta ng mga pekeng resibo.

Kasabay nito ang kanyang panawagan sa pagbabayad ng tamang buwis upang maabot o mahigitan pa ang kanilang koleksyon.

Una na rin pinuri ng Department of Finance (DOF) ang kawanihan dahil sa mga makasaysayang koleksyon sa buwis.

 

TAGS: BIR, collection, news, Radyo Inquirer, BIR, collection, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.