Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipapatupad na muli ang number coding scheme simula bukas, Nobyembre 21.
Sinuspindi ngayon araw ang naturang traffic reducing scheme dahil sa ikinasang tigil-pasada ng mga jeepney operators at drivers sa ilang bahagi ng Kalakhang Maynila.
Samantala, hanggang kaninang alas-4:44 ng hapon, nakapagpakalat ang MMDA ng 104 sasakyan para sa libreng sakay.
Napakinabangan ng mga sasakyan ang 2,645 indibiduwal simula kaninang umaga.
Kanina ang unang araw ng tigil-pasada na pinangunahan ng grupong PISTON dahil sa kanilang pagtutol sa “consolidation” na bahagi ng PUV Modernization program at isinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa huling araw ng taon ang itinakdang deadline para sa sinasabing “consolidation.”