Number coding scheme ipapatupad na muli bukas

By Jan Escosio November 20, 2023 - 07:59 PM

Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipapatupad na muli ang number  coding scheme simula bukas, Nobyembre 21.

Sinuspindi ngayon araw ang naturang traffic reducing scheme dahil sa ikinasang tigil-pasada ng mga jeepney operators at drivers sa ilang bahagi ng Kalakhang Maynila.

Samantala, hanggang kaninang alas-4:44 ng hapon, nakapagpakalat ang MMDA ng 104 sasakyan para sa libreng sakay.

Napakinabangan ng mga sasakyan ang 2,645 indibiduwal simula kaninang umaga.

Kanina ang unang araw ng tigil-pasada na pinangunahan ng grupong PISTON dahil sa kanilang pagtutol sa “consolidation” na bahagi ng PUV Modernization program at isinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa huling araw ng taon ang itinakdang deadline para sa sinasabing “consolidation.”

TAGS: ltfrb, mmda, number coding, PUV modernization program, tigil pasada, ltfrb, mmda, number coding, PUV modernization program, tigil pasada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.