Duterte opisyal ng nagsimula sa kanyang trabaho

By Den Macaranas June 30, 2016 - 01:14 PM

Pres Duterte3
RTVM

Ang tradisyunal na pag-akyat sa grand staircase ng Malakanyang ay sumisimbolo sa opisyal na pagsisimula ng tungkulin ng bagong lider ng bansa.

Makaraan ang inialay na 21-gun salute ng Armed Forces of the Philippines sa kanilang bagong Commander-in-Chief ay kaagad na bumalik ang pangulo sa loob ng palasyo kung saan ay umakyat siya sa hagdan patungo sa President’s Hall.

Ang nasabing tradisyon ay unang ginawa ni dating Pangulong Manuel Quezon bilang pag-alaala sa ginawang pag-akyat sa bahay ng ina ni Gat. Jose Rizal para ipagdasal ang anak.

Una sa mga official function na inasikaso ng bagong talagang pangulo ng bansa ay ang diplomatic reception na dating kilala sa tawag na vin d’ honneur.

Dito ay personal na ipinakilala sa bagong pangulo ang mga ambassadors ng mga bansang kanilang kinakatawan.

Si Duterte ay sinamahan ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay sa pagsalubong sa mga miyembro ng diplomatic corps.

Hindi tulad sa mga nakaraang handaan sa Malacañang, mga simpleng pagkain lamang tulad ng monggo soup alugbati, smoked fish o tinapa, pandesal, kesong puti, vigan longganisa, lumpiang ubod, vigan longganisa, durian tarlet at maruya.

Ang mga inihandang inumin naman ay kinabibilangan ng pineapple, orange at dalandan juices.

Pres. duterte3
RTVM

TAGS: diplomatic corps, diplomatic receptions, duterte, yasay, diplomatic corps, diplomatic receptions, duterte, yasay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.