Sen. Bong Go nanawagan sa DOH, DBM para sa utang sa HCWs

By Jan Escosio November 20, 2023 - 06:53 PM

SENATE PRIB PHOTO

Muling nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa  Department of Budget and Management (DBM) at Department of Health (DOH) na bilisan ang pagpapalabas ng Health Emergency Allowance (HEA) ng health care workers (HWs) sa bansa.

“Nakikiusap po ako sa ating DOH at DBM, obligasyon po ito ng gobyerno. Pinapaalalahanan ko lang po kayo, kayo po ang implementing arm ng gobyerno, ang DOH at DBM na ibigay po what is due to our healthcare workers,”

Katuwiran ng senador maliit na halaga ang dapat na naibigay ng allowances sa HCWs kumpara sa kanilang mga sakripsiyo sa kasagsagan ng pandemya dulot ng COVID 19.

Sa mga datos, P23.6 bilyon na mula sa kasalukuyang budget ang nailabas ng DBM para sa HEA, ngunit hindi pa rin naabot na target na mabayaran na kuwalipikadong HCWs alinsunod sa batas.

Nagpadagdag na ang DOH naman ng P25.9 milyon upang mabayaran ang mga obligasyon bagamat lumalabas na P62 bilyon pa ang utang sa HCWs simula noong 2021.

Kabilang si Go, na namumuno sa Senate Committee on Health, sa mga nagsulong na maipasa ang RA 11712, na nagtakda ng mga karagdagang benepisyo at allowances sa HCWs.

 

 

TAGS: allowances, benefits, COVID-19, DBM, doh, go, allowances, benefits, COVID-19, DBM, doh, go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.