Bilang ng bagong COVID 19 case sa bansa tumaas muli
Pitong porsiyento na mas mataas ang bilang ng naitalang mga bagong kaso ng COVID 19 sa bansa sa nakalipas na isang linggo, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa inilabas na datos ng kagawaran, nakapagtala ng 1,210 bagong kaso noong Nobyembre 14 hanggang ngayon araw.
Bunga nito, ang lumabas na bagong daily average rate ay 173.
Sa mga bagong kaso, 14 ang naiulat na malubha at kritikal ang kondisyon at may pumanaw na siyam, ang apat ay noong Nobyembre 7 hanggang ngayon araw.
Hanggang noong Nobyembre 17, may 284 na malubha o kritikal ang kondisyon sa ibat-ibang pagamutan.
Kaugnay nito, 10.1 porsiyento sa 1,662 ICU beds ang okupado, samantalang 16.1 porsiyento naman sa non-ICU beds.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.