Angara: P5.768B 2024 budget posibleng lumusot sa Senado sa susunod na linggo

November 20, 2023 - 03:18 PM

SENATE PRIB PHOTO

May posibilidad na maaprubahan sa susunod na linggo sa Senado ang isinusulong na  P5.768-trillion General Appropriations Bill (GAB), ayon kay Senator  Sonny Angara.

Sa panayam kay Angara, sinabi niya na tatapusin na ang “period of interpellations” para sa natitira pang mga ahensiya na hindi pa naisalang sa deliberasyon upang mapaghandaan naman ang 31st Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF) sa  Nobyembre 23 hanggang 26.

Sinabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Finance na “on target” naman ang deliberasyon sa pambansang pondo para sa susunod na taon.

Banggit niya na maaring sa unang linggo ng Disyembre ay mapipirmahan na ni Pangulong Marcos Jr., ang 2024 GAB.

Ngayon araw, lumusot na sa plenaryo ang 2024 budget ng Commission on Elections (Comelec) at Commission on Audit (COA).

 

TAGS: Angara, GAB, national budget, Senate, Angara, GAB, national budget, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.