P0.75/L bawas sa gasolina, P0.65/L sa krudo ngayon linggo

Nagpatuloy ngayon linggo ang pagtapyas sa presyo ng mga produktong-petrolyo base sa anunsiyo ng mga kompaniya ng langis.

Mas mataas ang bawas sa gasolina na P0.75 kada litro, P0.65 sa diesel at P0.60 naman sa kerosene.

Unang nag-anunsiyo ng kanilang bawas presyo ang Shell, Seaoil, Cleanfuel, Chevron at PetroGazz.

Simula mamayang hatinggabi ang paggalaw sa presyo, susundan ng ala-6 ng umaga at alas-4 ng hapon.

Ang paggalaw sa presyo ay bunsod ng pagbaba ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

 

 

Read more...