85 porsiyento ng ruta naparalisa ng tigil-pasada

By Jan Escosio November 20, 2023 - 12:32 PM

Sinabi ni Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) national President Mody Floranda na 85 porsiyento ng ruta ng kanilang mga miyembro ang kanilang naparalisa.

Ito aniya ay bunga ng hindi pagpasada ng kanilang mga miyembro kaninang umaga.

Sa panayam, ibinahagi ni Floranda na may ilang miyembro sila na pinayagan na pumasada para lamang kumita ng pangkain.

Nabanggit din nito na bukas sila na makipag-diyalogo kay Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz ukol sa kanilang mga hinaing.

Sa diyalogo nakasalalay kung itutuloy ang tigil-pasada bukas at sa Miyerkules.

Isinagawa ang tigil-pasada ng PISTON bilang pagtutol sa “consolidation” na bahagi ng PUV Modernization program.

TAGS: ltfrb, PISTON, PUV modernization program, tigil pasada, ltfrb, PISTON, PUV modernization program, tigil pasada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.