Christmas cash gift ng GSIS pensioners ilalabas simula sa Disyembre 6

By Jan Escosio November 20, 2023 - 06:09 AM

Inanunsiyo ng Government Service Insurance System (GSIS) na sa darating na Disyembre 6 ang simula nang pagpapalabas ng Christmas cash gifts sa kanilang old-age at disability pensioners.

Nabatid na aabot sa P3.47 bilyon ang kabuuang halaga at halos 300,000 ang benepisaryo.

Ang halaga ng “cash gift” ay katumbas ng isang buwan na pensyon ngunit hindi ito lalagpas sa P10,o00.

Ang mga kuwalipikado ay ang mga tumatanggap ng regular na buwanang pensyon at napatunayang buhay hanggang noong nakaraang Nobyembre 30.

Hindi naman makakatanggap ng “cash gift” ang  survivorship pensioners, dependent pensioners, pensioners alinsunod sa  RA 7699 (Portability Law), gayundin ang mga tumatanggap ng  pro-rata pension.

Maging ang mga bagong pensionee mula 2019 hanggang 2023 na nakatanggap ng immediate pension at 18 month cash payment sa ilalim nanan ng RA 8291 at tatanggap sila nito limang taon makalipas ang petsa ng kanilang pagreretiro.

 

TAGS: cash gift, Christmas, GSIS, Pension, cash gift, Christmas, GSIS, Pension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.