Number coding scheme suspindido ngayon dahil sa transport strike
Sinuspindi muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng number-coding scheme ngayon araw bunga ng tatlong araw na transport strike.
Inabisuhan din ng MMDA ang mga motorista at mga pasahero na planuhin ang kanilang biyahe dahil inaasahan na magiging mabigat ang trapiko sa Kalakhang Maynila.
Ilang lokal na pamahalaan ang nag-anunsiyo na mag-aalok ng libreng-sakay gamit ang kanilang mga sasakyan.
Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nag-anunsiyo na magpapakalat ng 250 sasakyan sa ibat-ibang ruta na maaring maapektuhan ng hindi pagpasada ng mga jeep.
Pangungunahan ng PISTON ang tigil-pasada at ang kanilang dahilan ay ang itinakdang deadline sa Disyembre 31 para sa “consolidation” alinsunod sa PUV Modernization Program.
Nababahala ang PISTON na dahil sa “consolidation” ay magkakaroon ng monopoliya sa mga ruta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.