Bilang ng mga nasawi sa lindol sa Mindanao, umakyat na sa pito katao

 

 

Umakyat na sa pito katao ang bilang ng nasawi matapos ang 6.8 magnitude na lindol sa Mindanao.

 

Ayon sa ulat Office of the Civil Defense, kabilang sa mga nasawi ang mag-asawa sa General Santos City, isang babaeng empleyado ng salon sa General Santos City at apat Region XII.

 

Sabi ng OCD, maaring umakyat pa sa 10 ang bilang ng nasawi dahil mayroon pang tatlo na naiulat na nasawi pero sumasailalim pa sa berpikasyon.

 

Patuloy ang pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga biktima ng lindol.

 

Read more...