Pangulong Marcos naka-monitor sa sitwasyon sa Mindanao matapos ang 6.8 magnitude na lindol

 

Tuloy ang monitoring ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sitwasyon sa bansa matapos ang 6.8 magnitude na lindol sa Davao occidental.

Ito ay kahit na abala si Pangulong Marcos sa 30th Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa San Francisco, California sa Amerika.

Ayon sa Pangulo, walang rason para putulin ang mga nakatakdang pulong sa Amerika dahil maayos naman na nagagampanan ng ibat ibang ahensya ng gobyerno ang pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng lindol.

“I’m happy to be able to say that the government agencies do not need directives from me anymore. They know what to do … nagrereport sila sa akin kung ano ba talagang nangyari and what are the initial reports,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Well, if there’s something that needs to be done that cannot be done by anybody but myself, I will go home,” sabi ni Pangulong Marcos.

Alam na aniya ng mga opisyal ng gobyerno ang gagawin sa mga ganitong uri ng insidente.

“But as I said, alam na nila ang gagawin. That’s my hope – we tried to organize the government in such a way that these are standard operating procedures already. You don’t have to question what do we do next, nakasulat na lahat ‘yan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, palaging nagbibigay ng ulat sa kanya ang mga kalihim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Interior and Local Government (DILG).

Dagdag ng Pangulo, balik na sa normal ang operasyon ng mga maliliit na power utility groups sa Eastern at Western Mindanao.

 

 

Read more...