(GenSan PNP)
Patay ang mag-asawa matapos ang 6.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Ayon sa ulat ng pulis, nakilala ang mga nasawi na sina Danny Ginung, 26, at Jane Ginung, 18, parehong empleyado ng Amadeo Pathwoods at residente ng Barangay Sinawal, General Santos City.
Sa inisyal na imbestigasyon, nadaganan ng gumuhong pader ang dalawa.
Tinangka pa ng dalawa na magtago sa mas ligtas na lugar subalit nasawi rin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.