Aquino sinalubong ng mga tagasuporta sa Times street

By Den Macaranas June 30, 2016 - 11:49 AM

Aquino Times1
Photo: Dona Dominguez-Cargullo

Mainit na inalubong ng kanyang mga tagasuporta sa Times street si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Isang simpleng seremonya ang inihanda para sa pag-uwi ng dating Pangulo sa kanyang bahay sa No. 25 Times street Quezon City.

Sina dating Social Welfare Sec. Dinky Soliman at Leah Navarro ang mga nagsilbing emcee sa simpleng pagtitipon.

Nandun din ang kanyang mga kapatid at mga kapitbahay na nag-lagay pa ng mga yellow ribbon sa kahabaan ng Times street.

Pagdating sa lugar ay kaagad na umakyat sa entablado at nagpasalamat ang dating pangulo sa mainit na pagsalubong sa kanya bilang dating lider ng bansa.

TAGS: Aquino, quezon city, times street, Aquino, quezon city, times street

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.