Mga tanggapan ng gobyerno, pinakilos ni Pangulong Marcos para sa quake victims
Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na tumugon sa pangangailangan ng mga biktimaa ng 6.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, nais ni Pangulong Marcos na matiyak na nasa maayos na kalagayan ang biktima ng lindol.
Nasa Amerika ngayon si Pangulong Marcos at dumadalo sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit.
Sa hiwalay na post sa Twitter, sinabi ni Pangulong Marcos na activated na ngayon ang Civil Defence Regional Office at nakikipag-ugnayan na sa local responders.
“In these challenging times, my commitment to your safety and recovery is unwavering, and I have instructed every relevant government agency to fully contribute to ongoing efforts,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.