Inusisa ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pondo para sa pagdoble ng social pension ng mga mahihirap na senior citizens sa bansa..
Ginawa ito ni Villanueva sa deliberasyon ng pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa susunod na taon.
Unang ipinunto ng senador na nadoble na ang bilang ng senior citizens ngunit hindi pa naipapatupad ang RA 11916 o ang Social Pension for Indigent Seniors Act.
Si Villanueva ang awtor ng naturang batas, na nagdoble sa P1,000 mula sa P500 ng buwanang pensyon ng indigent senior citizen.
Nabanggit naman ni Sen. Imee Marcos, ang sponsor ng DSWD budget, na P3.082 bilyon ang inilaan na para sa naturang dagdag-pensyon ngayon taon.
Ayon pa kay Villanueva, mula sa 228,000 lumubo ito sa 466,000, na bilang ng mga kuwalipikado sa naturang karagdagang pensyon.
Sinabi ni Marcos na hinihintay na lamang na mailabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo