“123 Agreement” sa nuclear energy, nilagdaan ng Amerika at Pilipinas

 

Nilagdaan na ng Pilipinas at Amerika ang “123 Agreement” o peaceful nuclear energy cooperation.

Naging saksi sa paglagda sa kasunduan nina Energy Secretary Raphael Lotilla at US Secretary of State Anthony Blinken si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa  San Francisco, California.

Sa ilalim ng kasunduan, papayagan ang mga kompanya sa Amerika na mag-export ng nuclear fuel, reactors, equipment at iba pang specialized nuclear materials sa Pilipinas.

Magkakaroon ng legal framework ang dalawang bansa para sa civil at nuclear-related investments partikular na ang nuclear power.

Sa ngayon, mayroong 23 civil nuclear agreements ang Amerika sa ibang bansa gaya ng Russia, China, Canada, South Korea, the United Kingdom, Japan, Taiwan, Turkey, Ukraine, United Arab Emirates, at Vietnam.

 

Read more...