PNoy nakaalis na sa Malacañang

By Den Macaranas June 30, 2016 - 11:25 AM

Aquino01
RTVM

Natapos na ang departure ceremony para kay outgoing President Noynoy Aquino.

Pero bago ito ay nagkaroon ng halos ay tatlumpung minutong pag-uusap sina Aquino at incoming President Rodrigo Duterte.

Habang nag-uusap ang dalawa ay nakaupo na sa loob ng Rizal Hall ng Malacañang ang mga bisita na sasaksi sa panunumpa ng bagong pangulo ng bansa.

Makalipas ang troop inspection ay inihatid ni Duterte si Aquino sa kanyang sasakyan palabas ng Malacañang.

Si Aquino ay sumakay sa kanyang kulay putting Toyota Land Cruiser na sinasabing kanya ring sinakyan papunta nang Malacañang nang siya’y maupo bilang lider ng bansa noong 2010.

Kaagad na didiretso si PNoy sa kanyang bahay sa No. 25 Times strees sa Quezon City.

TAGS: Aquino, duterte, Malakanyang, times street, Aquino, duterte, Malakanyang, times street

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.