Gobyerno lugi ng P37B sa “unregistered vehicles”

By Jan Escosio November 17, 2023 - 10:49 AM

FILE PHOTO

Halos P37 bilyon ang nawala sa Land Transportation Office (LTO) dahil sa hindi pagpapa-rehistro ng mga sasakyan.

Nabatid na halos 24.7 milyong sasakyan ang hindi naiparehistro kayat P37.10 bilyon ang nawala sa LTO hanggang noong Abril 2022.

Halos 35 porsiyento lamang ng 38.3 milyong sasakyan sa bansa ang rehistrado.

Sa mga hindi rehistrado, 20.15 milyon ang motorsiklo, 4.01 milyon ang four-wheeled vehicles at 490,000 ang trucks at bus.

Babala ni LTO chief Vigor Mendoza na delikado sa mga lansangan ang mga hindi rehistradong sasakyan/

Aniya nararapat lamang na maging parehas sa mga nagpapa-rehistro ng kanilang sasakyan at para na rin sa kapakanan ng mga nasa mga lansangan.

TAGS: lto, revenue, unregistered, lto, revenue, unregistered

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.