Sen. Bong Go nabahala sa pagtaboy ng DSWD sa mga humihingi ng tulong

By Jan Escosio November 17, 2023 - 10:26 AM

SENATE PRIB PHOTO

Labis na nabahala si Senator Christopher “Bong” Go sa mga ulat na may itinataboy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mga humihingi ng tulong.

Sa deliberasyon ng pondo ng kagawaran sa susunod na taon, nalaman ni Go na umaabot pa sa P4.3 bilyon na inilaan na P16 bilyon para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang hindi pa nagagamit.

“I heard that DSWD has been turning away validated indigents. Once they are validated that means they belong to the poorest of the poor,” aniya.

Apila ng senador hindi na dapat pahirapan pa ang mga mahihirap at agad silang bigyan ng kinakailangan nilang tulong.

Nabanggit din niya na sa 159 Malasakit Centers sa buong bansa, 13 ang walang kinatawan mula sa DSWD dahil na rin sa kakulangan ng social workers.

Si Go ang nagsulong ng pagpapatayo ng Malasakit Center sa ibat-ibang bahagi ng bansa para magsilbing “one stop shop” ng mga mahihirap na pasyente.

TAGS: ayuda, bong go, dswd, Malasakit Center, ayuda, bong go, dswd, Malasakit Center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.