Sen. Bong Revilla iniisip na asuntuhin ang nagpanggap sa EDSA Bus Carousel Lane
Ikinukunsidera ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na ireklamo ang drayber na nagpakilalang siya nang sitahin sa pagdaan sa EDSA Bus Carousel Lane.
Ito ay sa kabila na rin ng pagtitiyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gumawa ng mga legal na aksyon laban sa drayber dahil sa paglabag sa mga batas-trapiko.
Sinabi pa ni Revilla na kung may leksyon na naidulot ang insidente ito ay ang pagkakabunyag na may isang opisyal ng MMDA na naniniwalang may kapangyarihan siya na piliin kung kanino ipapatupad ang batas.
Una nang tiniyak kay Revilla ni acting MMDA Chairman Roman Artes na ipapatupad nila ang batas sa mga lumalabag.
“Sa pagsuko nitong gumamit ng aking pangalan para makalusot sa pananagutan, matitiyak ng MMDA na maparusuhan ang mga abusado,” sabi pa ng senador.
Nangngitngit si Revilla nang tukuyin siya ni Bong Nebrija, ang namumuno sa MMDA – Special Operations Unit, na lumabag sa EDSA Bus Carpuse Lane policy, base sa impormasyon mula sa isang tauhan.
Suspindido sa kasalukuyan si Nebrija dahil sa maling pagtukoy kay Revilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.