Isyu sa South China Sea, tatalakayin ni Pangulong Marcos kay Xi
Makikipagpulong ngayong araw si Pangulong Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr. kay Chinese President XI Jinping sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation (Apec) Summit sa San Francisco, California sa Amerika.
Ito ay para talakayin ang lumalalang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa South China Sea.
“We will get the view of the Chinese President on what we can do to bring down the temperature, to not escalate the situation in the West Philippine Sea,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Nasa Amerika sina Pangulong Marcos at Xi para dumalo sa APEC Summit.
Una nang nakipagulong si Pangulong Marcos kay US Vice President Kamala Harris.
Pangako ni Harris, nanatili ang ironclad na suporta ng Amerika sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.