Big time na smuggler ng sibuyas arestado

By Chona Yu November 17, 2023 - 08:01 AM

Arestado ang isang big time onion smuggler sa Batangas.

Nakilala ang suspek na si Jayson de Roxas Taculog.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., inaresto si Taculog dahil sa paglabag sa Republic Act 10845 o ang batas na nagdedeklara na economic sabotage ang large-scale agricultural smuggling.

Nabatid na si Presiding Judge Edilu Hayag ng Manila Regional Trial Court Branch 26 ang nag-isyu ng arrest warrant laban kay Talusig.

Walang piyansa ang inirekomenda ni Hayag.

“Umpisa pa lang si Taculog. Sa tulong ng pulis, korte at lokal na pamahalaan, patuloy na tutugisin ng Department of Agriculture ang mga smuggler at sumasabotahe sa ating sektor,” pahayag ni Laurel.

Inaresto si Taculog dahil sa paggamit ng peke, kaduda-duda, at fraudulent import permits o shipping documents.

Bukod dito, hindi rin nagbabayad si Taculog, ng buwis.

Kinasuhan din si Taculog ng misclassification, under evaluation, misdeclaration ng import entry at iba pa.

Kapag nahatulang guilty, habang buhay na pagkabilanggo ang parusa kay Taculog.

“Isa sa mg autos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na habulin ang mga smugglers at hoarders. Agad nating inaksyunan ang direktibang ito ng Pangulo,” pahayag ni Laurel.

“Sinisira ng mga smuggler at hoarder ang kabuhayan ng mga maliliit na magsasaka at mangingisda. Sinasamantala nila ang mga Filipinong consumer sa mataas na presyo ng pagkain,” pahayag ni Laurel.

Matatandaan na noong Enero, umabot sa P700 ang kilo ng sibuyas.

 

TAGS: Agriculture, laurel, news, Radyo Inquirer, sibuyas, Agriculture, laurel, news, Radyo Inquirer, sibuyas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.