Robredo nanumpa na bilang pangalawang pangulo
Pormal nang nanumpa bilang ikalawang Pangulo ng Pilipinas si Leni Robredo .
Alas-nuebe ng umaga nang magsimula ang programa para sa inagurasyon ni Robredo sa Executive reception House sa New Manila, Quezon City.
Ang okasyon ay dinaluhan nina Senate President Franklin Drilon, Senator Bam Aquino, Senator Kiko Pangilinan, House Speaker Feliciano Belmonte Jr, Kris Aquino na kinatawan ni President Noynoy Aquino, Mar Roxas at iba pang mga kaalyado nito.
Nanumpa si Robredo bilang ika 14th Vice President ng bansa, kina Brgy. Captain Ronaldo Coner ng Brgy. Punta Tarawal, na pinakamahirap na barangay sa Camarines Sur; at kay Brgy. Captain Regina Celeste San Miguel ng Brgy Mariana Quezon City.
Kasama ng bagong halal na Bise Presidente ang kanyang mga anak na si Tricia, Aika at Jillian na siyang humawak ng bibliya.
Simple lamang ang damit ni Robredo na isang re-modeled na lumang Filipiniana na pinaayos lamang maging ang mga anak nito na naka black at beige filipiniana lamang.
Sumentro naman ang maiksi at madamdamaing mensahe ni Robredo sa pasasalamat, pag imbita sa publiko at pribadong sector na samahan ang kanyang paglalakbay at ang pag banggit nito sa kanyang namayapang si dating DILG Sec. Jesse Robredo.
Inilahad din nito ang kanyang plataporma sa unang 100 araw ng kanyang panunungkulan, kabilang dito ang pagtutok sa gutom at sapat na pagkain, kalusugan, kaunlaran ng kanayunan, edukasyon at people empowerment.
Niyaya rin nito ang sambayan na samahan siya sa paglalakbay sa unang 100 araw nito sa pinakamalalayo at pinakamaliit na barangay sa bansa para alamin ang mga nais na matugunan at upang iparamdam na nariyan ang pamahalaan upang tumugon sa kanilang mga pangangailangan.
Sinabi pa ni Robredo na bagama’t noong panahon ng eleksyon ay nagkawatakwatak ang bansa ay bukas naman ang ngayon ang kanyang tanggapan sa pagkakaisa kahit anumang paniniwala at anumang partido.
Maging ang mga pribadong sector ay inanyayahan ni Robredp na makipagtulungan sa pamahalaan dahil kapag nagsasama sama ang imposible ay kayang gawing posible, kaya buo ang loob ng bagong halal na Bise Presidente na maraming magagawa sa loob ng anim na taon kapag nagsama sama.
Sa bandang huli ng speech ni Robredo ay binanggit nito ang paboritong kasabihan ng kanyang asawang si Jesse na “What brings us together as a nation is more powerful than what pulls us apart”.
Matapos ang inagurasyon ay nagkaroon ng pagtitipon sina Robredo, ang mga supporter nito at mga tumulong sa kampanya sa Quezon City Memorial Circle bandang alas 5 ng hapon kung saan ibat ibang personalidad at artista ang nagtanghal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.