80 infra projects maaaring pondohan ng Maharlika Investment Fund

By Chona Yu November 16, 2023 - 09:18 AM

 

Nasa 80 potential infrastructure projects ang maaring pondohan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund.

Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Philippine Economic Briefing sa San Francisco, California, sinabi nito na ang MIF ang magsisilbing karagdagang source para sa mga infrastructure flagship projects.

Sabi ni Pangulong Marcos, ang mga proyektong ito ay magbibigay ng mataas na returns at significant social economic impact sa bansa.

Sa ngayon, sinabi ni Pangulong Marcos na pinaghahandaan na ng pamahalaan na maging operational ang kauna-unahang sovereign investment fund sa bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, handa na ang Pilipinas na maging investment hub sa Asya.

Kabilang sa mga proyektong maaring pondohan ang airways, tollways at iba pa.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Maharlika, news, Radyo Inquirer, Ferdinand Marcos Jr., Maharlika, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.