Mga matagumpay na Pinoy sa US ipinagmalaki ni PBBM Jr.

By Chona Yu November 15, 2023 - 06:09 PM

OP PHOTO

Ipinagmalaki ni Pangulong  Marcos Jr. ang tagumpay ng mga Filipino sa Amerika.

Sa pagharap ni Pangulong Marcos sa Filipino community sa San Francisco, California, sinabi nito na ang mga Filipino ang napagbuo ng positibong imahe ng Pilipinas sa Amerika.

Sabi pa niya, susuklian ng pamahalaan ang pagsisikap ng mga Filipino sa Amerika.

Bukod pa rito, kanyang binigyang-diin ang aktibong partisipasyon ng Pilipinas sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na inaasahang makapagbibigay ng mga kasunduang magbubunga ng kaunlaran sa ekonomiya para sa mga Pilipino.

Nasa Amerika si Pangulong Marcos hanggang sa Nobyembre 20 para sa APEC Summit.

Hindi maikakaila ayon kay Pangulong Marcos na noong kasagsagan ng pandemya sa COVID-19, nakaranas ang mga Amerikano sa mapagkalingang pag-aalaga at mapagmahal na kamay ng mga Filipino.

Sabi pa niya  isa sa bawat limang nurse sa California ay sumailalim sa pagsasanay sa Pilipina dahil hindi matatawaran ang malasakit, pakikipagkapwa at bayanihan ng mga Filipino.

“We are all grateful for your selfless service to humanity, and we look up to you as role models for future generations of Filipinos and Filipino Americans. We recognize the hard work of Overseas Filipinos in the US. In 2022, the workers, health workers, injected [USD] 14.89 billion to the Philippine economy in cash remittances—making the United States the Philippines’ biggest single source of remittances,” dagdag ng Pangulo.

TAGS: apec, Filipino community, US, apec, Filipino community, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.