Utos ni Digong sa “secret funds” pinalulusaw sa Korte Suprema
Dumulog sa Korte Suprema si dating Supreme Court Associate Justice Antono Carpio para maideklarang null and void ang Executive Order Number 2 ni dating Pangulong Duterte ukol sa pagsasapubliko ng pinaggamitan ng”confidential and intelligence funds.”
Gayundin ang joint circular ng Commission on Audit (COA) ukol sa paggastos sa confidential at intelligence funds.
Ayon kay Carpio, dapat bumalangkas ng batas ang Kongreso para maging klaro kung ano ang confidential funds at kung ano ang intelligence funds at kung paano ito gagastusin.
Sa ngayon kasi aniya, isang EO lamang at joint circular ang umiiral sa bansa na maaring maging kulang o sobra.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.