Ibinahagi ni Senator Pie Cayetano na halos 50 milyong doses ng COVID 19 vaccines ang nasayang lamang.
Sa pag-sponsor ni Cayetano sa 2024 P353.2 billion budget ng Department of Health (DOH) sa plenaryo ng Senado, sinabi nito na 49.73 million doses ang nasayang.
Sa naturang bilang, 26.2 milyon ang donasyon at ang natitira ay binili ng gobyerno.
Marami din sa mga nasayang na bakuna ay inabot na ng “expiration.”
Paliwanag naman niya na anim na buwan lamang ang “shelf life” ng mga bakuna at ang mga donasyon na bakuna ay hanggang tatlong buwan na lamang ang bisa at ang ilan ay isang buwan na lamang.
Hindi na rin aniya nasorpresa ang mga eksperto dahil maikli lamang talaga ang maaring itagal ng mga bakuna.
MOST READ
LATEST STORIES