MMDA nag-sorry kay Sen. Bong Revilla sa pagkaladkad sa EDSA Bus Lane violation

By Jan Escosio November 15, 2023 - 02:34 PM

MMDA PHOTO

Humingi ng paumanhin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kay Senator Ramon ‘Bong” Revilla Jr., sa pagkakaladkad sa pangalan nito sa paglabag sa EDSA Bus Carousel Lane policy.

Sa inilabas na pahayag ng MMDA, masusing iimbestigahan ang insidente na naganap kaninang umaga.

Ayon pa sa ahensiya, base sa CCTV footages protocol plate ang gamit na plaka ng sinita na sasakyan at aalamin kung paano nadawit ang pangalan ng senador.

Ayon sa MMDA tanging mga authorized vehicles lamang ang maaring gumamit ng naturang special bus lane, bukod sa carousel buses ay maari din dumaan ang emergency vehicles maging marked government vehicles na rumeresponde sa emergency situations.

Kasabay nito, irerekomenda  ng MMDA sa Department of Transportation (DOTr) na  magamit na rin ng presidential at vice presidential convoy ang naturang linya, gayundin ng convoy ng Senate President, House Speaker ar Supreme Court Chief Justice.

TAGS: dotr, edsa bus lane, mmda, Revilla, dotr, edsa bus lane, mmda, Revilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.