Sen. Bong Revilla Jr., itinanggi na dumaan sa EDSA Carousel Bus lane

By Jan Escosio November 15, 2023 - 12:04 PM

SENATE PRIB PHOTO

Mariing itinanggi ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na sinita ng isang enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanyang convoy dahil sa pagdaan sa EDSA Carousel Bus lane.

Ipinagdiinan nito na malisyoso ang naging pahayag ni Bong Nebrija, ang namumuno sa MMDA – Special Operations Unit, na nahuli ng kanyang mga tauhan ang convoy ng senador.

Aniya sa araw-araw na kanyang pagbiyahe ay nagmumula sa Timog at hindi siya dumadaan sa bahagi ng EDSA sa Mandaluyong City.

At kung may opisyal man siyang lakad sa Hilagang bahagi ng Metro Manila ay sa Skyway siya dumadaan, maging sa kanyang pagbalik.

Diin pa ni Revilla sa kanyang palagay ay hindi ginawa ng MMDA ang kanilang trabaho dahil aniya dapat ay binigyan ng tiket ang nagpanggap motorista dahil sa paglabag sa batas ukol sa paggamit ng special bus lane.

Aniya hihingiin niya ang paliwanag ng MMDA sa pagkaladkad at paninira sa kanyang pangalan.

“Napaka-aga naman yata ng paninira,” sabi pa ng senador.

TAGS: Edison “Bong” Nebrija, edsa bus lane, mmda, Revilla, Edison “Bong” Nebrija, edsa bus lane, mmda, Revilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.