Convoy ni Sen. Bong Revilla Jr., dumaan sa EDSA busway – MMDA

By Jan Escosio November 15, 2023 - 10:38 AM

Bineberipika na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sinasabing paglabag ng convoy ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., sa EDSA Carousel Bus lane.

Ito ang ibinahagi ni Bong Nebrija, namumuno sa MMDA – Special Operations Unit, sa isang news forum sa Maynila.

Dagdag pa ni Nebrija humingi sila ng mga retrato ng convoy upang maberipika na kabilang sa mga sakay ng mga sasakyan si Revilla.

Ayon pa sa opisyal, nang sitahin nila ang isa sa mga driver ng mga sasakyan na kabilang sa convoy, sinabi na sakay nila ang senador at nagbaba pa ito ng bintana ng sasakyan.

Pinaniwalaan naman ito ng traffic enforcer at ipinaalam niya kay Nebrija ang pangyayari.

Kumpiyansa naman si Nebrija na si Revilla ang nakita ng kanilang traffic enforcer.

 

TAGS: busway, edsa, EDSA Carousel Bus Routes, mmda, Revilla, busway, edsa, EDSA Carousel Bus Routes, mmda, Revilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.