Yellow ribbon sasalubong sa pag-uwi ni PNoy sa Times street

By Dona Domiguez-Cargullo June 30, 2016 - 08:21 AM

Aquino house
Photo: Dona Dominguez-Cargullo

Mainit na sasalubungin ng kaniyang mga kapitbahay si Pangulong Benigno Aquino III mamaya sa kaniyang pagbabalik sa pribadong buhay.

Mula pa kagabi, balot na ng kulay dilaw na mga banderitas, ribon at tela ang kahabaan ng Times St. sa Quezon City.

Ang mga bahay sa paligid ng tahanan ng pamilya Aquino, nahsabit ng kulay dilaw ma ribbon sa kanilang mga gate at pintuan.

Ang mga mga puno at halaman tinalian din ng yellow ribbon. Maaga ring itinayo ang entablado sa Times St. na gagamitin mamaya para sa idaraos na programa. Sarado na rin ang Times St. mula sa bahahi ng West 6th at hindi na pinapadaanan sa mga motorista.

May mga itinalaga na ring mga pulis ng NCRPO at may mga metro aide na namementena ng kalinisan.

Inaasahang sa pagitan ng alas 12:30 hanggang ala 1:00 ng hapon darating ng Times St. si Pangulong Aquino bilang isang ordinaryong indibidwal na matapos ang kaniyang anim na taon na panunungkulan bilang presidente ng bansa.

Aquino house2
Photo: Dona Domiguez-Cargullo

 

 

TAGS: Aquino, quezon city, times street, yellow ribbon, Aquino, quezon city, times street, yellow ribbon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.