P5 jeepney fare hike petition ipinababasura ng commuter group

By Jan Escosio November 15, 2023 - 08:35 AM

Kontra ang commuter advocacy group The Passenger Forum sa petisyon sa  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkaroon ng P5 dagdag pasahe sa jeepney.

Ayon kay TPF convenor Primo Morillo dapat lamang na ibasura ang naturang petisyon ng transport groups at hinikayat ang gobyerno na gumawa ng mga hakbang na may benepisyo sa mga kumukita sa public transport sector gayundin sa bahagi ng mga konsyumer.

Binanggit niya na maaring maging alternatibo ang pagsuspindi sa excise tax sa mga produktong-petrolyo.

Katuwiran ni Morillo hindi dapat dagdagan pa ang pasanin ng mga konsyumer sa pamamagitan ng dagdag sa pasahe.

Dagdag pa nito, dapat din ibasura ang petisyon na dagdag P1 sa pasahe sa bawat kilometro ng biyahe.

Sinimulan  na ang LTFRB ang pagdinig para sa mga naturang petisyon.

Sa ngayon ay epektibo pa rin ang pansamantalang P1 dgadag pasahe sa jeep.

 

TAGS: jeepney fare hike, ltfrb, transport, jeepney fare hike, ltfrb, transport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.