Mga teorya ng netizens sa “Taguig HS twin suicides” kinontra ng pulisya

By Jan Escosio November 14, 2023 - 02:54 PM

Nanawagan ang Southern Police District (SPD) sa publiko na huwag paniwalaan ang ibat-ibang teorya ng netizens kaugnay sa pagkamatay ng dalawang high school students sa isang public school sa lungsod.

Sa inilabas na pahayag ng SPD, naideklara ng walang “foul play” sa pagkamatay nina Irish Sheen Manalo, 13, at Mary Nicole Picar, 15.

Noong nakaraang Biyernes, Nobyembre 10, natagpuang nakabigti ang dalawa sa isa sa mga kuwarto ng Signal Village National High School.

Dagdag pa ng pulisya, nagsagawa ng post-portem examination ang SPD forensic team at ang resulta ang pinagbasehan ng kanilang deklarasyon na walang “foul play” sa pagkamatay ng dalawa.

Ibinahagi naman ni Col. Robert Baesa, hepe ng pulisya ng lungsod, hindi din buntis ang dalawang biktima.

Nagkomento ng kanyang-kanyang teorya ang ilang netizens base sa viral video kung saan napanood na nasa sahig na ang mga bangkay at hindi nakabitin mula sa kisame ng kuwarto.

 

TAGS: SPD, Students, suicide, SPD, Students, suicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.