COVID 19 daily average case sa Pilipinas tumaas – DOH

By Jan Escosio November 14, 2023 - 05:37 AM

FILE PHOTO

Mas maraming bagong kaso ng COVID 19 ang naitala sa nakalipas na isang linggo kumpara sa sinundan na katulad na panahon.

Base sa inilabas na impormasyon ng Department of Health (DOH) nakapagtala ng 1,132 bagong Covid-19 infections noong Nobyembre 7 hanggang kahapon, Nobyembre 13.

Nagpakita ito ng 21 porsiyentong pagtaas sa average daily case sa 162 kumpara sa naitala noong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 6.

Sa mga naitalang bagong kaso, 12 ang tinukoy na malubha o kritikal ang kondisyon.

Wala naman naidagdag sa bilang ng mga nasawi dahil sa nakakamatay na sakit sa pagitan ng Oktubre 31 hanggang Nobyembre 13.

 

 

TAGS: COVID-19, doh, COVID-19, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.