Leila de Lima pinayagan ng korte na makapag-piyansa

 

Pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 si dating Senador Leila de Lima na makapaglagak ng piyansa para sa kasong illegal drugs.

Ayon kay Attorney Boni Tacardon, legal counsel ni de Lima, motion granted ang sagot ng korte sa hirit na motion for reconsideration para sa bail petition.

Taong 2017 nang makulong si de Lima sa Camp Crame, Quezon City dahil sa kaso ng illegal na droga.

 

Read more...