Panukalang batas na half cup rice policy, inihain na sa Kamara

By Chona Yu November 13, 2023 - 01:04 PM

Inihain n ani Quezon Congressman Keith Micah Tan ang panukalang batas na half-cup rice bill.

Ito ang panukalang batas noon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na obligahin ang mga business establishment na maghain ng kalahating cup ng kanin para maiwasan ang pagkasayang nito.

Sa ilalim ng House Bill 9510 o “Anti-Rice Wastage Act” saklaw nito ang mga restaurants, commissaries, cafeterias, cafes, lunchrooms, bistros, fast food establishments, food courts, buffets, eateries, retail bakeries, mobile food trucks, at dining areas sa accommodation establishments.

Una nang inihain ni Pangulong Marcos ang panukalang batas noong senador pa siya at inisponsoran ng in ani Tan na si dating Congresswoman at ngayon ay Governor Doktora Helen Tan.

“Hindi naman po natin pagbabawalan ang “unli rice” o paparusahan yun hindi makakaubos ng kanin sa kanilang “buffet”. Ang nais lang po natin ay makatulong upang hindi maaksaya ang bigas na itinuturing natin na ginto at upang bigyang pansin ang kapakanan ng ating mga magsasaka at isulong na rin ang kalusugan ng bawat mamamayan,” pahayag ni Tan.

Sa panukala ni Tan, pagmumultahin ang mga business establishment na hindi tatalima ng P5,000 sa unang offense, P10,000 sa second offense at P20,000 sa third offense at may kasamang suspensyon ng license o permit to operate ng hindi bababa sa 30 araw.

Una nang sinabi ng Philippine Rice Reasearh Institute na nasa 385,000 metrikong tonelada ng bigas ang nasasayang kada taon.

 

 

TAGS: Bigas, Ferdinand Marcos Jr., Helen Tan, news, Radyo Inquirer, tan, Bigas, Ferdinand Marcos Jr., Helen Tan, news, Radyo Inquirer, tan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.