Vargas, kumpyansang tuloy-tuloy ang paglago ng ekonomiya

By Chona Yu November 11, 2023 - 08:37 PM
Pinuri ni Quezon City Councilor at dating three-term Congressman Alfred Vargas ang mga polisiya ng administrayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagbunga sa positibong 5.9% economic growth ng bansa, ang pinakamabilis na naitala sa Southeast Asia. “Kamakailan lang ay nabalitaan natin ang good news sa ating ‘stellar third-quarter performance,’ na linampasan pa ang growth forecast ng mga ekonomista. Ito’y sumasalamin sa pagsisikap ng ating pamahalaang iangat ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan,” ani Vargas. Dagdag ni Vargas, kailangang suportahan ang paglago ng ekonomiya sa pagpapalawig ng whole-of-government approach sa paglikha ng mga kabuhayan, lalung-lalo na ang urban poor sector at mga vulnerable groups. “Sa bawat trabahong ating itinutulay at sa bawat kabuhayang ating binubuksan, pinapasigla natin ang ating lokal na ekonomiya. Binibigyan natin ng dagdag na sustento ang ating mga industriya at enterprises at pinapalakas natin ang ating workforce,” pahayag ni Vargas. Binigay ni Vargas na modelo ang isinasagawa niyang comprehensive job and livelihood development programs sa Novaliches, Quezon City, sa pakikipagtulungan ng QC Social Services Development Department ng pamahalaang lungsod, DOLE, TESDA, at mga pribadong partners. Ayon kay Vargas, higit 1,000 na ang mga Novalenyong nabigyan ng trabaho ngayong taon na ito sa pamamagitan ng regular job fairs. Samantala, himigit-kumulang 5,000 na mga Novalenyo naman ang naturuan ng mga livelihood programs na isinasagawa ng kanyang opisina linggo-linggo. Ang mga halimbawa nito ay perfume making, dishwashing liquid making, at meat processing na nagiging pagsasanay para makapagbuo ng maliit na negosyo. “Nagpapasalamat tayo sa ating City Government, sa ilalim ng ating mahusay na Mayora Joy Belmonte, sapagkat malaking priority sa kanya ang social services. Dahil dito, nabibigyan natin ng pagkakataong umunlad ang buhay ng ating kapwa QCitizens,” dagdag ni Vargas. Para sa dating Committee Chairman on Social Services ng Kamara, nagiging mas sustainable ang mga programa kung nalilinang ang lakas na kasipagan at diskarte ng mga komunidad. Ito rin aniya ang nag-udyok sa kanya para isabatas ang ngayong Tulong Trabaho Act at Youth Entrepreneurship Act. Pinapaalalahanan din ni Vargas na ang tagumpay na dulot ng pakikipagtulungang ito ay may kaakibat na tungkulin. “Palagi nating sinasabi sa ating mga jobseekers, trainees, at aspiring entrepreneurs na kapag sila naman ang nakakaluwag sa buhay, mayroon tayong tungkuling tulungan din ang mga nasa ibaba. Sa pag-aakay natin sa isa’t isa, maisusuguro nating walang maiiwan,” ayon kay Vargas.

TAGS: alfred vargas, alfred vargas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.