Talumpati ni Digong, magiging ‘mura-free’

By Jay Dones June 30, 2016 - 04:44 AM

 

Inquirer file photo

Walang magiging ‘mura’ ang talumpati ni incoming president Rodrigo Duterte sa kanyang inagurasyon.

Ito ay kung susundin ni Duterte ang inihandang speech para sa kanyang oath-taking mamaya sa Malacañang.

Ayon sa isang source ng Inquirer, nitong Martes, sumalang sa ‘read through’ o practice ng kayang talumpati si Duterte sa Panacan, Davao City.

Isa pang source ang nagsabing sa wikang Ingles isinulat ang naturang talumpati.

Hindi rin umano kinakabahan si Duterte sa kanyang magiging speech at tanging ang pagtingin lamang sa ‘teleprompter’ ang siyang pinagsanayan nito.

Tinutukan aniya sa talumpati ang mga dapat asahan ng taumbayan sa susunod na administrasyon at ang pagtupad sa naunang mga pangakong binitiwan nito noong panahon ng kampanya.

Inaasahang tatagal ng 15-minuto ang speech ng susunod na Pangulo na na live na isasahimpapawid ng iba’t-ibang media entities at maging ng Facebook.

Ang kanyang anak na si ‘Kitty’ ang hahawak ng Bibliya na panunumpaan ni Duterte samantalang ang kanyang ka-brod naman sa fraternity na si Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes ang magpapasumpa sa kanya sa tungkulin.

Dumating si Duterte sa Maynila kagabi para sa kanyang inagurasyon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.