EEZ ng Pilipinas mas mababantayan dahil sa mga bagong barko ng PCG
By Chona Yu November 10, 2023 - 11:33 AM
Nagpapasalamat ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa suporyang ibinigay nito para maaprubahan ang kanilang pondo pambili ng mga bagong barko. Matatandaan na inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang ₱29.3 billion budget para makabili ang PCG ng limang 97-meter multi-role response vessels (MRRVs) sa ilalim ng Maritime Safety Capability Improvement Project (MSCIP) Phase 3. Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, malaking tulong ito para mas lalo pang mapalakas ang pwersa ng kanilang hanay laban sa mga iligal na aktobidad at maipatupad ang kaukulang batas sa exclusive economic zones (EEZs) ng bansa. Ang nasabing pondo ay maikokover na ang disensyo, construction at deliver ng limang barko mula sa Japan’s Official Development Assistance (ODA) loan. Kaugnay nito, maipapagpatluoy ng PCG ang pagprotekta sa teritoryo, soberanya at karapatan ng bansa para na rin sa kapakanan ng mga mangingisdang pilipino at sa mga tumitindig para ipaglaban ang karagatan sakop ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.