Russian missile tumama sa cargo ship sa Ukraine, 4 Filipino nasaktan

By Jan Escosio November 10, 2023 - 08:16 AM

Reuters photo
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na apat na tripulanteng Filipino ang nasaktan nang tamaan ng Russian missile ang isang cargo ship sa bahagi ng Black Sea sa Ukraine.    Sa paunang ulat, kabilang sa mga nasaktan ay ang kapitan ng barko, ang able seaman, deck cadet at ang ship electrician.   Ayon sa DMW, ang apat ay nasa “bridge” nang tumama ang missile.

Sinabi ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega unang naiulat na tatlo lamang ang nasaktan sa insidente.

Inihayag ng DMW at DFA na ligtas na ang apat na Filipino at naipaalam na rin sa kani-kanilang pamilya ang pangyayari.

TAGS: DMW, missile, news, Pinoy, Radyo Inquirer, Russia, seafarer, Ukraine, DMW, missile, news, Pinoy, Radyo Inquirer, Russia, seafarer, Ukraine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.