Go hiniling sa DepEd na gawing prayoridad ang umento ng mga guro

By Jan Escosio November 10, 2023 - 07:36 AM
Ipinanawagan ni Senator Christopher Go sa Department of Education (DepEd) na gawing prayoridad ang pagtaas ng suweldo at allowances ng mga guro. Ginawa ni Go ang panawagan sa deliberasyon ng 2024 budget ng kagawaran sa plenaryo ng Senado. Binanggit ng senador nang talakayin sa Development Budget Coordination Committee-Senate, tiniyak ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na may nailaan na P17 bilyon para sa Salary Standardization 6 sa isinusulong na pondo para sa susunod na taon. Dagdag pa ni Go, sa kabila ng mga naging hamon sa sektor ng edukasyon dulot ng pandemya, magiting na tumugon ang mga guro para maipagpatuloy lamang ang pagbabahagi ng edukasyon.
”It is therefore just incumbent upon us to recognize their devotion and invaluable contribution to the formation of our youth and society,” ayon pa kay Go.

TAGS: bong go, edukasyon, guro, news, Radyo Inquirer, umento, bong go, edukasyon, guro, news, Radyo Inquirer, umento

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.