Proklamasyon sa 101 BSKE winners, nakabinbin pa

November 09, 2023 - 03:34 PM

 

Nasa 101 na nanalo sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections ang hindi pa naipoproklama ng Commission on Elections.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, sinabi ni Comelec spokesman John Rex Laudiangco, nasa 400 na kandidato ang sinampahan ng petition for disqualification.

Ito ay dahil sa premature campaigning, early campaigning, illegal complaining at vote-buying.

Lahat aniya ng mga nanalo ay naisyuhan ng order for suspension of proclamation.

Pero ayon kay Laudiangco, wala namang dapat na ikabahala ang mga nanalong opisyal dahil ang pinupunan naman ang mga posisyon ng mga dati nang nakaupo sa ilali ng hold over capacity na una nang pinagtibay ng Korte Supreme.

Nakasaad aniya sa Republic Act 11462 na maaring maupo ang mga incumbent official sa hold over capacity hangga’t wala pang kapalit.

Umaasa si Laudiangco na agad na matatapos ang kaso para apag-alaman kung magiging permanently disqualified ang mga ito para maging final and executory o kung makauupo sa puwesto.

 

 

 

TAGS: comelec, John Rex Laudiangco, news, Radyo Inquirer, comelec, John Rex Laudiangco, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.