Ekonomiya ng Pilipinas lumago sa 5.9 percent sa ikatlong quarter ng 2023
Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng taong 2023.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang Pilipinas ang may pinakamabilis na paglago sa rehiyon.
Nasa 5.9 percent ang economy growth sa ikatlong quarter, mas mataas ito kumpara sa 4.3 percent noong ikalawang quarter.
Sinabi naman ng Presidential Communications Office, na naungusan ng Pilipinas ang Vietnam, China, Indonesia at Malaysia.
“Para sa Q3 2023, Pilipinas ang may pinakamabilis na paglago ng ekonomiya na naitalang nasa 5.9% kumpara sa mga bansa sa rehiyon na naglabas ng kanilang Q3 2023 real GDP growth. Ito ay sinundan ng Vietnam, China at Indonesia, at Malaysia,” sabi ng PCO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.