Bilateral relations ng Pilipinas at Timor-Leste palalakasin pa

By Chona Yu November 09, 2023 - 08:15 AM

(Photo: PCO)

Dumating na sa bansa si Timor-Leste President José Ramos-Horta.

Ito ay para sa kanyang official visit sa Pilipinas.

Target ng pagbisita ni Ramos-Horta na palakasin ang bilateral relations ng Pilipinas at Timor-Leste.

Sinalubong si Ramos-Horta nina Philippine Ambassador to the Democratic Republic of Timor-Leste Belinda Ante at Manila International Airport Authority Assistant General Manager Manuel Gonzales sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na susuportahan ng Pilipinas ang Timor-Leste sa bilateral meeting sa sidelines ng 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Indonesia.

“In the Philippines, you have a partner. We have always been supportive,” sabi ni Pangulong Marcos kay Timor-Leste Prime Minister Taur Matan Ruak.

Tatalakayin nina Pangulong Marcos at Raos-Horta ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng technical, political, educational, at economic partnerships.

Magkakaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Marcos at Ramos-Horta sa Biyernes, Nobyembre 10 sa Palasyo ng Malakanyang.

 

TAGS: bilateral relations, Ferdinand Marcos Jr., news, official visit, Pilipinas, Radyo Inquirer, Timor-Leste, bilateral relations, Ferdinand Marcos Jr., news, official visit, Pilipinas, Radyo Inquirer, Timor-Leste

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.