Sen. Imee dinipensahan ang mag-amang Digong, VP Sara

By Jan Escosio November 08, 2023 - 06:18 PM

Ipinagtanggol ni Senator Imee Marcos ang mag-amang dating Pangulong Duterte at Vice President Sara Duterte at kinastigo ang mga bumabatikos sa dalawa.

Pagbabalik-tanaw pa ng senadora, siya ang nag-iisang gobernador na sumuporta sa dating pangulo noong pang 2015 at patuloy niya itong pinaninindigan.

Itinuturing niyang mga tunay na kaibigan ang mag-amang Duterte.

Nagpahiwatig pa ito na layon lamang ng mga bumabatiko sa mga Duterte na sirain ang tinatamasang pagkakaisa sa bansa sa kasalukuyan.

Ginawa lang din aniya ito ng mga nais magpalapad ng papel at kumuha ng “pogi points.”

Dagdag pa ni Marcos batid niya na ang tanging hangarin ng mag-amang Duterte ay mapaunlad ang Pilipinas at mapanatili ang kaayusan.

TAGS: digong, Kamara, sara, Sen. Imee Marcos, digong, Kamara, sara, Sen. Imee Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.