Pumirma ang Globe at Security Bank ng isang memorandum of understanding upang mas mapalakas ang mga inisyatibo para labanan ang dumadaming ” financial crimes” sa bansa.
Layon ng kasunduan na paigtimgin ang pinagsanib na kakayahan ng Globe at Security Bank na labanan ang financial crime at identity theft at magtulungan sa fraud investigations, bilang pagtalima sa mga umiiral na batas, alintuntunin at regulasyon ng National Privacy Commission (NPC) at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
“Partnering with banks and financial institutions has greatly enhanced our fraud prevention, detection, and investigation efforts, leading to better customer protection. In the first half of the year, we have seen a dramatic 46% year-on-year decline in the volume of bank-related scam and spam messages blocked in our network, indicating that our efforts are making headway,” sabi ni Atty. Irish Salandanan-Almeida, Globe Chief Privacy Officer.
Dagdag pa niya:“We are proud and excited to have Security Bank as our latest partner in our continuing fight against online fraud. As our network of partners grows bigger, we are able to stop more fraud attempts and expand our protection to more customers.”
Sabi naman ni Albert dela Cruz, ang Chief Information Security Officer ng Security Bank: “An integral part of the BetterBanking promise we make to our customers is the safety and security of their personal and financial information when transacting. This holds especially true now given current fraud trends and increased adoption of digital payment channels.”
Aniya malaking tulong ang pakikipagtulungan nila sa Globe para matiyak na ligtas ang datos ng kanilang mga kliyente bukod pa sa mas madali ang kanilang digital payment system.
Ang Globe ay nakikipagtulungan sa lahat ng major commercial banks at online retailers para magkaloob ng direct at round-the-clock communication channel upang agad maisumbong ang anumang kahina-hinalang aktibidad.
Noong Agosto ng nakaraang taon, ang Globe ay nakipagkasundo naman sa Bankers Association of the Philippines (BAP) upang bumuo ng “framework of cooperation” sa pagbabahagi ng data at intelligence para sa fraud prevention at investigation. L