Mga Pinoy nais mapalakas ugnayan sa US, Japan – survey
Mayorya ng mga Filipino ang nais na palakasin pa ng administrasyong-Marcos Jr., ang relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas sa Estados Unidos at Japan.
Base ito sa resulta ng survey ng Pulse Asia at inilabas sa isang forum na pinamagatang “Advancing the Philippine Manufacturing Sector for National Prosperity”, na inorganisa ng Stratbase ADR Institute.
Bahagi ang forum ng 61st Annual Meeting and Conference ng Philippine Economic Society.
Isinagawa ang survey noong Setyembre 10 hanggang 14 na may 1,200 respondents sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Itinanong sa survey ang tatlong bansa, na pinaniniwalaang mas dapat palakasin ng kasalukuyang administrasyon ang relasyong pang-ekonomiya.
Nabatid na 74% ang pinili ang US, 55% sa Japan, samantalang 46% ang napili ang Australia, 40% sa Canada at 26% ang napili ang European Union.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.