Siyam na bilanggo pumuga sa Tondo, Manila

 

Siyam na bilanggo ang tumakas sa Manila Police District Station 1 sa Raxabago, Tondo kaninang 1:30 ng madaling araw.

Ayon kay MPD chief Colonel Arnold Thomas Ibay, pinuwersa ng mga bilanggo ang isang bakal sa may pintuan hanggang sa mabali at doon tumakas.

Tatlo aniya sa mga bilanggo ang nahanap na at naibalik na sa kulungan.

Ayon kay Ibay, nahaharap sa kasong illegal drugs, illegal possession of firearms, robbery, at iba pa ang mga tumakas na bilanggo.

Sa ngayon, iniimbestigahan na aniya ang custodian officers, desk officer, duty officer at deputy station commander ng MPD Station 1 kung may kapabayaan sa tungkulin kung kaya nakatakas ang mga bilanggo.

Bumuo na ng tracker team ang mga pulis at nagsasagawa ng manhunt operation para maibalik sa kulungan anim na bilanggo.

 

 

Read more...